March 2010 Ktexts
March 01
Good morning!!! Early day for us! I need to run some errands that needs to be finish kaya maaga ko ngayon:) heheh! I’m going out din today with my mom to go sa SSS, ayusin nanamin yung mga ganitong bagay habang may pahinga pa:) its gonna be a long day for me kasi pagkatapos meron pa ko rehearsal para sa showtime… Nood kayo if you have time it will be on wednesday episode:) atleast makikita ko si kuya vhong:) heheh!
See I’m officially an SSS member… All I need is to pay monthly dues:) now I’m on my way na sa rehearsal for showtime on wednesday… Share ko lang habang nakapila ako ngayon sa parking… ANG HIRAP KUMUHA NG PARKING! Grrrr! Sana madali lang yung sayaw para mga 20 mins uwian na:) heheheh!:) at para makapagyogurt na ko kagad:)
Iinggitin ko uli kayo… Gumawa ng blueberry cheescake in crashed grahams si mama tapos gumawa yung kapatid ko ng snowman in the middle… Tapos gumamit sya ng injection to put melted chocolates inside… Ang nakakatawa is he made for a special someone… Uuuy! Heheh! Sobrang cheezy! Anyway I saw avatar na… Ang ganda talaga and worth it yung 3 hours na panonood:) I SEE YOU!!!:) ang sarap sabihin!:)
March 02
Ayan para may closer look kayo kung sino si famous heidi:) heheh! Sya ang make up artist ni kim at ni erich at kay maam charo din… May dala kasi si erich suha at saging tapos sya yung nagbabalat sakin:) tapos meron naman dalang melon, pakwan, at dragon fruit si ms agot:) kaya parang meron akong fruit salad sa tiyan ko ngayon heheheh!:)
Good afternoon:) andito na ko sa kabilang set ng tanging yaman at nilalagyan ako ng bugbug effects:) by famous ate heidi hahah! Sya nagbuhat sakin nung nasa cavite kami, nagbalat ng suha, at marami pang iba heheh! Anyway sa lahat sa inyo inom kayo lagi ng tubig ah… Wag nyo hayaan madehydrate katawan nyo at syempre stay out of the sun kung possible…
Meron ba saking nakasubscribe na single already and “already gone” ang shout out ng buhay nya…. Hahahahahahhahhahahahahahhahahah!!!! Kung meron man please stand up please stand up:) hahah! Inside joke namin yan nila eranie at roxie, hahah! Kung gusto nyo malaman kung sino txt nyo sila:) good night muna:)
March 03
Good morning!!:) its your show its your time, iiiiiits showtime:)
![]()
andito lang ako sa loob ng dressing room, wala kasi ako kasama ngayon kasi kaya ko naman dalin gamit ko, yun nga lang boring kaya inaaliw ko nalang sarili ko hahahah:) nood kayo kung hindi kayo busy magpapasikat portion ako… Hay nako inaantok na ko pero kaya pa:) bukas beach uli ako for tanging yaman:)
Ito ibang version naman ng same picture… Mata lang nag iba heheheh:) sana nakapanood kayo ng showtime… Nakachamba ako ang taas ng energy kahit puyat:) ang saraop ng audience maghype ng performance:) sana maulit muli kasi talagang ang galing nila:) tsaka nagcongratulate pa si kuya vhong sakin nax! Parang ang sarap pakinggan:) sya nga pala may balita ako sa inyo… Kwento ko later… Nakakapressure at nakakaba na balita:)
Hey hey hey!!! I’m here in makati now nagdudubbing para sa sunday launching ng commercial ng new endorsement:) yipee!! Thank you to all… Wala lang gusto ko lang magthank you:) sya nga pala ito yung dancers na kasama ko kanina sa showtime nagpapicture ako sa kanila kasi minsan lang sila sumasayaw as a group usually kasi may kanya kanya:) daan kayo edsa if you have time ah:) tapos about sa news ko… Magiging part na ko ng supadance… Nakakakaba diba?!:)
March 04
Good morning guys!!! Alam ko medyo late na pero I just want to make a shout to this people who made a letter and a CD for me, inabot nila to sakin sa showtime, and yes nabasa ko lahat ng letters nyo at itatago ko to sa kwarto ko mismo, it is highly appreciated and I always love people’s effort to show their love and support for that I love you all and this is my shout out for the letter senders:)
Princess Jeanhel Radaza (march 23 advance happy birthday)
![]()
![]()
![]()
Crystal Joy Radaza! Thank you and good night:)
Nako! Ito na talaga to sa sunday makikita nyo na ang mas bago ko pang kulay kasi andito kami ngayon sa batangas taping tanging yaman yung vacation scenes namin… May underwater scenes uli during daytime… Kaya ngayon officially tanned na ko ngayon, sana makapanood kayo sa sunday para makita nyo kung ano na talaga kulay ko:) heheh! Parang kuya echo na kulay ko:)
Hey hey hey!!! Yehey!!! Congrats satin! Nanalo kami ni erich sa mala-titanic na pictorial for oscar velvet … We won third place, best pair award, and best photographer… So 3 wins are not that bad:) heheh! So kung gusto nyo makita yung photo exhibit its in greenbelt 4 ayala museum and dadalin din yun sa eastwood para makita nyo naman yung napakalamig na pictorial namin:) heheheh!:) andito pa rin kami batanggas pero madali na to:) good night guys:)
March 05
Good morning!! Kamusta gising nyo?:) ako kakaalis ko lang sa matabungkay beach sa batanggas just now, natapos ako kagad kagabi pero nagstay na kami ni kuya joe at ni francia sa resort kasi may lakad din naman ako sa cavite ngayon so para hindi sayang sa energy, gas, and time:) ang saya nga kasi the last time I was there was during the pilot episode of astigs season 2, tapos nadadaanan ko rin ngayon yung pinagshootan namin ng close up commercial:) saya lang magreminisce:)
Hello! Andito na ko ngayon sa cavite, I’m actually here in club 8586 and Dynamic teen company, the place kung san namin kinunan ni kuya dominic yung eksenang naglabas ako ng sama ng loob sa kanya about isko… Bumalik ako today kasi inauguration nila ngayon ng bagong learning center nila, I was invited by kuya efren… Since nagpromise ako na pupunta ako… I made sure na tutupad ako dun kahit busy:) heheh:) congrats to them:)
Late update for you:) late na kasi ako natapos sa rehearsals… Pano 4 yung sayaw na inaral ko… Grabe kapagod pero ok na memorize ko na… Heheh! Live and taping kasi kami this sunday sa asap:) pero masaya kasi nakita ko nanaman ang gigger boys after 3 weeks:) pahinga mode na to kasi bukas balik nanaman ako sa cavite for tanging yaman:) ito nga pala picture ko kanina with kuya ef sa groundbreaking ng learning center nila:) bukas padalan ko kayo ng mas marami pang photos namin:)
March 06
Morning morning!! Andito na ko sa cavite AGAIN (dapat hanap na ko dito ng place) hahaha! Anyway, ito yung isa sa mga pictures namin pero puro nose lang(kaya may sunburn ako pero ilong lang)” Ako mismo dog tag”… Bigay yan ni kuya ef sakin… Alam nyo ba there are so far 14 people in the world na binigyan nya ng ganyan… Ako yung pang14 oh diba! Katorse is my number talaga:) heheh:)
Hey hey hey! Ito naman yung picture ko na kinunan with his dedication… Kung gusto nyo mabasa zoom in nyo nalang… Sinadya ko yan para mashare ko sa inyo:) sabi ko nga sa kanya kahapon I won’t wear it but rather put it on a safety deposit box or sa little archive ko sa bahay:) parang ito yung tipo na dapat hindi itatapon na mga bagay:) heheh!:) pero isusuot ko sya sa mga special occassion siguro… Sya nga pala birthday ni kuya ef kahapon so let’s all greet him ng belated happy birthday:)
Share ko lang sa inyo, diba kahapon birthday at groundbreaking ng lupa ng learning center nila kuya ef… Alam nyo ba na dapat nasa washington sya to meet US president Obama (which is his biggest idol) and other world youth leaders, na all expense paid and allowances, pero he turned it down para lang personal syang makasama ng club8586 at dynamic teen company sa groundbreaking nila…
“selflessness— let’s try it ones in awhile”
March 07
Good morning!!! Papunta na kami ngayon ni francia sa asap… Kitang kita nyo naman kahit ang dakilang si francia ay ina-idolize din si kuya ef:) heheheh!:) by the way hindi sya ganun katangkad:) heheh! Anyway watch kayo mamaya ng prod namin… Guest kami ni gerald sa supadance e, ang bilis ng sayaw tsaka grabe sa hataw… Sana makasabay kami:) heeheeh!
![]()
Kakahiya palpak talaga ko:( nagkamali ako sa blocking grrrrrrr! heheh! Anyway Meron kaming bagong sayaw ng gigger boys entitled maldito shots tapos sa chorus merong part na “pala pala” kaya perfect tong picture na to!
heheh! Sana nga pala nakita nyo yung commercial ng lucky me today… Ngayon kasi yun.. Hindi ko binabanggit kasi kabado ako e, hindi ko pa rin naman nakikita yung orig version so tell me what you think… Nerbyoso nanaman ako kasi baka mamaya hindi ako effective… Kaya let’s have a lucky me supreme seafood eating marathon! Hahahahah!:)
Grabe this day!!! Ito siguro ang pinaka nakakapagod kong asap day in my life! Wala pang tumatalo… 4 hataw dances na sobrang nahahalo na sa utak ko kaya medyo windang… Pero thank you soooooo much sa lahat ng namamaus sa stage para lang tawagin name ko, alam nyo ba na kayo ang nagpapaenergize sakin every sunday lalo na kapag sobrang puyat! Kaya thank you and I really appreciate all your love and support:)
![]()
March 08
Amazing, fantastic, elegant, exquisite event and kudos to all the academy award nominee and winner:) nanunuod ako ngayon ng oscars, and alam nyo ba tumatakbo sa isip ko… One day, kung papayagan tayo ng panginoon… Aakyat tayo sa stage para tumanggap ng parangal… Pero syempre pangarap yun:) libre naman yun kaya dapat dream big:) heheh!!
Hey hey hey!!! Sya nga pala baka gusto nyo sumali dito… sa march 14 may fun run ang star magic sa venice mckinley hill, 3k or 5k run… Register there or kung may kakilala kayo sa star magic… This is to celebrate my tito keren’s birthday and of course star magic na rin:) sana makasali kayo wear white or blue shirts or combination of both… Punta kayo ng mga 4am para sure na makakasali kayo sa march 14 na to:)
Siguro sa ngayon nakita nyo na ang pagbabalik ng isang rebelde… Ang rebelde para sa tama at para sa pagmamahal:) nax!!! Lalim! Anyway jomari is really back!:) isang matinding gulo at saya nanaman ang hatid namin sa inyo:) very promotional ba? Embrace nyo nalang:) heheheh!:)
March 09
Good Morning brothas and sistas!! Its the gigger boys! Nakakamiss din tong grupo na to… Tingnan nyo naman kung gano kakukulit sila… Damit pa lang kita mo na:) hahah! Sayang wala si robi picture kasi namin to nung sunday sa asap… May iba ata syang appointment… Anyway I’m on my way sa la salle para mag training at para makita ko naman ang school:)
Hello hello!!! Andito ako sa school ngayon itong kasama ko dito team captain namin yan dito sa swimming team, nagbirthday sya last week send ko sa inyo mga picture nakakataw:) nagspeach sya na nakatayo sa upuan nila… Alam nyo ba isa sya sa mga batang meron cool parents as in uber cool!:) anyway andito ako sa school para sa alumni card ko gusto ko kasi magapply ng lifetime alumni card para may name ako sa school!:) sige txt kita uli mamaya kung anong nangyayari sa buhay ko:) heheh!:)
Happy eating!!! Ang sarap talaga ng kain ko ngayon kasi nanunuod ako ng replay ng oscars while eating… Gusto ko yung sinabi ni monique kanina nung inawardan sya ng best actress in a supporting role sabi niya “I would like to thank the academy because you’ve shown that its about the performance already and not about the politicking” for that sana maging halimbawa sila ng award ceremony all over the world lalo na dito… Anyway syempre lalo pangsumarap ang kain ko kasi kumain ako ng manggang hilaw, suha, at yogurt:) good luck sa tiyan ko sana hindi sila magrumble!:) hahahaha!:)
March 10
Ipinakikilala si richard pili… Ang make up artist ng tanging yaman na maraming hairstyle at color! Hahah! Mabait yan tsaka hindi pikon:) I just want to say that UAAP season is closing today and tomorrow we will have the passing of the flag to the next host of the season which is de la salle university… Yes tama ang basa nyo… Pupunta ako sa FEU bukas para tumanggap ng award:) and yes host kami next season but I will not participate because of schedule conflict pero I will come back sa 2011 in time for the 100 years of de la salle:)
Alam nyo ba si famous francia affected kagabi sa mga natanggap nyang news, meron daw kasing galit sakin na mga fans… Hindi ko na babanggitin kung kanino pero sinasabi na sinungaling daw ako kasi dapat iba raw sinagot ko ng isang interview… Come to think of it, kapag ginawa ko yun e di mas magla-lie ako, the point is no one can’t tell anyone what to say and do lalo na kung hindi nyo naman buhay yun… Ang sakin lang MAGALIT na yung gustong magalit bastat alam kung may mga natitirang chongdees na nasa tabi ko at mahal ako BALIWALA lahat yang mga paninira at masasakit na salita:) dapat ENJOY LIFE and Hayaan na natin ang mga walang magawa sa buhay!:) diba?:)
Graaabbbeeee!!! 3 hours kami nagrehearse ng gigger boys kasi hindi na namin alam kung kelan uli kami mabubuo for that certain dance kasi 7 prods ang kailangan kong gawin so pagdating sa boracay prepared na… Ending gutom na gutom ako to the max, yung tipong nanlalambot na kami sa gutom kaya ngayon kinain ko ang kalahating chicken in 10 mins na may kasama pang 2 pizza! Hahahah! Gutom na gutom si enchong dee:) no sleeping muna at baka bangungutin si enchong dee:) hahahah!:)








