Maja Salvador is excited to be paired with Enchong Dee in upcoming teleserye

Maja Salvador is excited to be paired with Enchong Dee in upcoming teleserye Matapos ang matagumpay na pagsasama nina Kim Chiu, Xian Lim at Maja Salvador sa teleseryeng My Binondo Girl ay muli silang magsasama sa teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang Ina, Kapatid, Anak. Kasama rin sa naturang proyekto si Enchong Dee na makakapareha ni Maja sa unang pagkakataon bilang love team partner.

Sa story conference na ginanap sa 14th floor ng ELJ Building noong May 11, nakausap ng PEP.ph si Maja Salvador tungkol sa gagawin niyang teleserye at ito ang kanyang ilang pahayag:

Ano ang role mo dito sa Ina, Kapatid, Anak?

“Para akong isang mamahaling sapatos na kumikinang, kaso nandun lang ako sa kahon ko.”

Nakaka relate ka ba sa role mo rito in real life?

“Siguro nakaka relate lang yung karakter ko rito pagdating sa fashion na mahilig sa sapatos, pero malalim kasi yung karakter ko rito, eh.”

Ano ang pakiramdam mo na makakasama mo uli sina Kim at Xian sa isang teleserye at first time na makasama si Enchong sa proyekto?

“Excited, sobra! Di lang porket kasama ko yung kaibigan kong sina Kim, Enchong at Xian kundi dahil ang ganda ng istorya ng teleseryeng ito. Bagong bago ito sa ating lahat. Talagang kahit ako, kahit ginagawa ko ito, talagang susubaybayan ko ang istorya. Ang ganda ng kwento. Isa pa, yung mga makakasama mong artista, talagang magagaling. First time kong makaka trabaho si Tito Eddie Gutierrez, Ms. Janice de Belen and first time with Enchong, so talagang na e-excite akong gawin ito.”

Ibig sabihin ba nito na kayo na ni Enchong ang bagong love team?

“Sa teleseryeng ito, oo. May mga projects din naman ako na hindi si Enchong yung kasama ko, so, for this teleserye si Enchong ang ka love team ko.”

First time mo talagang makasama si Enchong sa isang teleserye?

“Yes first time namin sa isang teleserye bilang love team, dati lagi lang kasi kaming nakikita pag nagsasayaw sa ASAP. Sabi nga naming dalawa ni Enchong, sana kahit sa isang guesting lang ay magkasama kami, dati may Your Song pa nga, kahit sa isang Your Song lang ay makagawa kami ng isa. And now, mas maganda pa kasi gagawa kami ng teleserye talaga.”

Ina, Kapatid, Anak: sino ka dun sa tatlo sa teleseryeng ito?

“Isa akong kapatid at anak dito.”

Anong feeling mo na makaka trabaho mo muli si Kim sa isang teleserye?

“Feeling ko, sobrang saya ng set namin na ito, e. Atsaka, masaya ako na kasama ko siya, tapos excited ako na magtutulungan kami sa teleserye naming ito at i-share ang mga nalalaman namin sa pag-arte. Magtutulungan kami sa mga characters namin. Iba para sa amin ang teleseryeng ito. Yung role ni Kim dito, hindi na pa tweetums o sobrang sweet. Ibang Kim ang makikita n’yo rito and I’m very excited to see her na gawin yung character niyang yun. Yung sa akin naman, ibang Maja rin ang makikita n’yo sa ‘kin, gusto ko na ngang pag-aralan kung anong atake ang gagawin ko sa character ko rito kasi nga kakaiba yung role ko rito.Sanamapaghandaan ko talagang maigi.”

Anong masasabi mo na reunited ka with Kim after ninyong magkasama sa My Binondo Girl?

“Oo nga eh, di ba nag guest ako sa Binondo Girl, medyo matagal din ako dun. Sabi nga namin na parang premonition, hindi namin alam na after Binondo Girl, gagawa pala kami ng isang teleserye. Feeling ko nag audition dun ako doon para magkasama kami ni Kim sa isang teleserye.”

Sa palagay mo malaking factor na magkaibigan kayo ni Kim, para mas maging effective ang karakter n’yo sa isang teleserye?

“Sa paggawa ng isang proyekto, pangit naman kung magkaaway kayo nung makakasama mo, kailangan talaga na magkakaibigan kayo. Ayun, maswerte na napagsama kami ng management sa isang teleserye.”

Magkakaroon ba kayo ni Kim ng sampalan scene o fighting scene sa teleseryeng ito?

“Oo, madami! Parehas kami ni Kim na palaban dito. Parehas kami na pag-inaway ang pamilya namin ay mapipilitan kaming lumaban. Sanalang hindi ako awayin ng mga fans ni Kim! (sabay tawa)”

Magka anu-ano kayo ni Enchong dito sa teleserye? Magkakaroon ba kayo ng kissing scene o love scene ni Enchong dito?

“Magsisimulang magkaibigan kami dito [eventually magiging boyfriend ko siya]. Love scene? Sa isang teleserye naman na romance at love story, may siguradong aabangang ganun, so abangan na lang natin.”

Kamusta naman kayo ng boyfriend mo na si Matteo Guidicelli? May chance pa ba na makapagtrabaho pa uli kayo sa isang proyekto?

“Ok naman po kami, tahimik lang pero masaya naman kami. Sa proyekto, tingnan natin kung ano ang ibigay ng management. Kasi ngayon, kailangang mag focus ako dito sa teleseryeng ito, lalo na bago kong kapareha si Enchong bilang ka-love team, kailangan pa naming kilalanin ang isa’t isa at kung paano kami mag-trabaho.”

May bonding moment pa ba kayo ni Matteo, despite your busy schedules?

“Minsan pag may free time ako, sumasama ako sa training niya sa triathlon, sa pagtakbo niya, sa pag swimming niya.”

Anong masasabi mo na nababalitang si Jessy Mendiola ang susunod na makaka trabaho ni Matteo sa isang proyekto? Big deal ba sa iyo ito?

“I’m excited for him saka kay Jessy, first nilang magkatrabaho di ba? No big deal, work lang, Kung trabaho, trabaho lang, walang pakialaman. May kanya kanya kaming trabaho at kailangan naming pag trabahuhan yun ng maigi.”

Source: PEP