Kathryn: Enchong is not my bf
Not sure where did this come from since we all know that Enchong is being linked to Julia, not Kathryn. Here’s an excerpt from an entry posted on Journal.
Dahil sa pagiging mabango ni Kathryn sa ABS-CBN, umalingawngaw bigla ang tsikang si Enchong Dee raw ang inspirasyon ng young actress at may balita pang five months na silang magdyowa, huh!
Pero deny-to-death si Kathryn tungkol sa isyu.
“Kaibigan ko lang po si Enchong at hindi ko po siya boyfriend. Never naman pong nanligaw sa akin si Enchong at kung manliligaw man siya, eh, malamang sa hindi ang isasagot ko dahil alam naman ni Enchong na bata pa ako at hindi pa puwede sa love-love,” paliwanag ni Kathryn.
Sa totoo lang, kahit hindi ito sabihin ni Kathryn, naniniwala kaming hindi nga niya boyfriend si Enchong.








