Erich Gonzales and Enchong Dee will shoot “sensual scenes” for local remake of Maria la del Barrio

Pormal nang pinakilala ng ABS-CBN ang mga artista na magiging bida ng Pinoy remake ng ’90s Mexicanovela na Maria la del Barrio, na pinagbidahan noon nina Thalia bilang Maria at Fernando Colunga bilang Luis Fernando.

Si Erich Gonzales ang gaganap na Maria, samantalang si Enchong Dee naman ang magbibigay-buhay muli sa papel na Luis Fernando.

Ito ang ika-apat na pagtatambal nina Erich at Enchong sa primetime. Una silang ipinareha sa Katorse (2009), at sinundan ng Tanging Yaman (2010) at Magkaribal (2010).

Nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang dalawang bida ng Maria la del Barrio at ang direktor nito na si Rory Quintos noong Biyernes, March 4, sa 13th floor ng ABS-CBN ELJ Bldg.

ERICH & ENCHONG. Napanood ba nina Erich at Enchong ang original Maria la del Barrio na pinalabas dati sa RPN-9?

Ayon kay Erich, “Nung bata pa po kami, pinapanood po namin yung original Tagalog version nung Maria la del Barrio, kaya medyo pamilyar na rin po ako sa character ni Maria.”

Pag-amin naman ni Enchong, “Ngayon na lang po, kasi binigyan kami nung kopya nung original copy para panoorin namin. Kasi medyo early ’90s pa nung ipinalabas yung Maria la del Barrio sa Pilipinas.

“So, bata pa po ako nun, wala pa ko masyado interest sa mga ganung palabas. Puro cartoons lang po ang pinapanood ko that time.

“So, ngayon po, mas nalinawan na po ako sa character nina Luis Fernando at Maria after ko po mapanood yung original copy.”

Ano naman ang ipinagkaiba nito sa ibang project na ginawa nila dati?

Ani Enchong, “Siguro yung pagkakaiba nito sa ibang ginawa naming project, bukod sa exciting yung project, medyo mas malaki yung pressure on our part.

“Kasi nung sinabi nga sa akin na magma-Maria la del Barrio kami, nag-research ako sa Internet kung ano ang Mexicanovela na ito. Nabasa ko na, ‘This is not just the best but one of the best that makes you go deep.’

“Ganun pala kabigat yun, so nandun yung pressure sa amin. Kaya medyo mahirap sa amin na higitan yung ganung klaseng success, lalo pa’t baguhan pa lang kami.”

THE DIRECTOR. Ipinaliwanag naman ni Direk Rory kung bakit napagdesisyunan nilang gawan ng Pinoy version ang Maria la del Barrio.

“[This is] one of the first teleseryes here in the Philippines before all the Koreanovelas and all the Mexicanovelas,” sabi niya.

“Maria la del Barrio is part of the interest of the entire world. It is really, really exciting. It is very challenging to recreate. It is very exciting to recreate it in a Filipino version. It is a big challenge in our part to recreate it.

“And of course, it is very exciting to direct Erich who will play as Maria and Enchong as Luis Fernando.”

Bakit sina Erich at Enchong ang napiling gumanap sa mga karakter nina Maria at Luis Fernando?

“They have great chemistry,” sagot ng direktor. “It’s proven already dun sa mga past shows nila, tulad ng Katorse, sa Tanging Yaman, at sa Magkaribal. So, we put them again together.

“Sa workshop pa lang nila, kitang-kita na talaga namin na talagang iaangat sila ng teleseryeng ito. I have confidence na aangat talaga sila dito.”

Hindi ba parang napakabata ni Erich, 20, para sa character na Maria?

“I don’t think she is young for the character ni Maria. Si Thalia nga yata is much older sa character ni Maria la del Barrio by that time, she was 18 or 19. Yun yung time na in love siya, nabuntis siya at nagkaanak.

“So, it’s a big challenge sa director nila na pabatain si Thalia. Same thing with Erich na mas right yung age niya for the role of Maria. Saka yung pagkabibo ni Maria, si Erich talaga yun, e.”

Magkakaroon ba ng sexy scenes sina Enchong at Erich sa teleseryeng ito?

“Not sexy, but sensual siguro yung right word,” sabi ni Direk Rory.

This week ay magsisimula na ang taping ng mga artista para sa telenobelang ito.

Matinding paghahanda at workshop daw ang ginawa ng buong cast kasama sina Angel Aquino, Ian Veneracion, Paw Diaz, at Charee Pineda. At introducing ang dalawang baguhang artista na sina Tricia Santos at Justine Gonzales.

source: PEP