Dennis Padilla says role as Erich’s dad in I Do is like his real life
Ginagampanan ng veteran comedian na si Dennis Padilla ang papel ng tatay ni Erich Gonzales sa Star Cinema movie na I Do, na magsisimula nang ipalabas sa mga sinehan bukas, September 29. Katambal dito ni Erich ang kanyang love-team partner na si Enchong Dee.
Sa set visit ng I Do ay natanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis kung gaano kalapit ang character niya sa tunay na buhay, lalo pa’t may mga nagdadalaga na rin siyang mga anak.
“Parang totoong buhay,” sagot niya. “Ako, as a father, very protective ako sa anak ko. Unang-una, maganda siya. Pangalawa, very young din.
“Katulad sa isang eksena namin, yung first time ko nakita si Enchong Dee. Siyempre, suplado ako sa kanya dahil sinusundo niya ang anak ko. Tapos, ipapakilala niya sa akin na boyfriend niya sa Enchong.
“Natutuwa talaga ako sa role ko kasi may mga dalaga akong anak. ‘Saka lagi ako nagdyo-joke sa mga anak ko na, ‘Bawal kayo mag-boyfriend.’
“Pero actually, salita ko lang ‘yon kasi hindi mo naman mapipigilan. That’s why, sa totoo lang, makakapag-advise ka but you cannot stop them.”
Kuwento pa ni Dennis, nakikita niya ang magandang development ng character ni Erich sa pelikula.
“May mga flashback na naglalakad si Erich na bata pa. Tapos, paglapit niya sa akin, makikita mo na dalaga na siya.
“Nandoon tuloy yung takot na baka mag-asawa na. Nandoon yung takot na mamaya na magka-syota siya, tapos lolokohin lang siya,” sabi ni Dennis.
source: PEP








