Bea Alonzo says Enchong Dee makes her feel “You can be yourself.”

An excerpt from a Bea Alonzo article posted on PEP that mentions Enchong.

ENCHONG DEE. Ang sumunod na intriga statement naman ay galing kay Enchong Dee: “Gusto namin makasama yung isa’t isa.”

“Ano namang masama dun?” patanong na sagot ni Bea. “Alam mo, sobrang lovable nitong tao ito [Enchong]. Kahit sino sigurong isama mo sa kanya, hindi maiiwasan i-love itong taong ito.”

Si Enchong daw ang isang tao na madaling makasundo at kumportableng makasama.

“Kasi sobra niyang totoo. Sobra niyang ipapa-feel sa iyo na kumportable ka. You can be yourself.”

Best friend na may gusto sa character ni Bea na si Gelai ang role ni Enchong sa Magkaribal.

Ibinuking naman ni Toni, na kasama nina Bea at Enchong sa ASAP XV, na magkausap daw lagi ang dalawa sa show. Pansin ni Toni, dati raw ay hindi close ang dalawa, pero simula nang magkatrabaho sila ay lagi niyang nakikita ang dalawa na nagkukuwentuhan.

“Oo, sobra,” pagsang-ayon ni Bea. “Siya yung tao na puwede mong pagsabihan na, ‘Hoy, bakit hindi mo ako pinapansin?’ Na hindi niya dadamdamin o hindi ka mahihiyang sabihan.”

Pag nag-text ba sa kanya si Enchong, nagre-reply ba siya?

“Oy, nagre-reply naman ako paminsan-minsan!” natatawang sabi ni Bea.

Related Posts