Bea admits visiting “Sa ‘Yo Lamang” and “Magkaribal” co-star Enchong Dee
Pagkatapos nito ay hindi na inusisa ng press si Bea tungkol kina Gerald at Kim. Bagkus ay tinanong na lang siya sa pagli-link sa kanila ng co-star niya sa Sa ‘Yo Lamang at Magkaribal na si Enchong Dee.
Hindi nakadalo ng presscon si Enchong dahil naka-confine pa rin ito sa hospital dahil sa sakit na dengue. Inamin ni Bea na dinalaw na niya ang young actor sa hospital.
“Super kawawa ang hitsura niya. Galing po ako ng taping, naka-on-call ako sa Greenhills. E, nasa Cardinal [Santos Medical Center] siya. So, pinuntahan ko siya. Maga ang mata niya. May allergy rin siya sa gamot. Kawawa po… So, nahihirapan din kami sa schedule ng Magkaribal,” lahad ni Bea.
Sinasabi raw ni Enchong na type na type niya si Bea, ano ang masasabi ng dalaga rito?
“Naku, magkaibigan po kaming matalik. Sobra!” mabilis na sagot ng young actress. “At saka, kapatid ko siya dito [Sa 'Yo Lamang]. Hindi naman po siguro crush. Sinasabi niya, ‘ina-admire.’ Palagi niyang sinasabi sa akin, ‘May kapatid ka pa ba?’ Ganoon lang si Enchong, pero magkaibigan kami.”
May mga fans din daw ng loveteam nina Enchong at Erich Gonzalez na nagtatampo sa kanya. Ano ang masasabi ni Bea rito?
“Siyempre, naiintindihan ko naman yun. Kahit naman sa mga fans namin ni John Lloyd [Cruz], kapag may napapabalita, understandable kasi nagmamahal sila. So, yun siyempre, all I can do is to say kung ano talaga ang totoo at yung point of view ko. Hindi ko rin naman puwedeng sabihin sa kanila na huwag silang magalit sa akin or huwag nilang maramdaman ang nararamdaman nila. Basta ako, gusto kong mag-focus sa mga good things,” saad ni Bea.
source: PEP









Pingback: Tweets that mention Enchong Dee • EnchongDeeWorld.COM • Your #1 source for Enchong Dee. » Bea admits visiting “Sa ‘Yo Lamang” and “Magkaribal” co-star Enchong Dee -- Topsy.com