Xian Lim plays New Age albularyo in Agimat: Ang Mga Alamat Ni Ramon Revilla

Biniro ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Xian Lim na napakaguwapo naman niyang albularyo.

Sa Agimat: Ang Mga Alamat Ni Ramon Revilla Presents Elias Paniki ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Jake Cuenca, ito ang role niya.

Kuwento ni Xian, “Ako yung New Age albularyo na tutulong kay Elias.”

Hindi naman daw niya kinailangan na mag-aral ng mga bagay-bagay tungkol sa pagiging albularyo. “More on fighting kasi, present day. Hindi natin alam na meron pa palang mga ganun. Parang tayo lang, one of the normal people, but they know spells.”

Magkasama sina Xian, Ejay Falcon at Enchong Dee sa teleseryeng Katorse na natapos last January, pero sina Ejay at Enchong ay bibida na sa upcoming Agimat episodes na Pepeng Kuryente (Ejay) at Boy Puitk (Enchong), samantalang si Xian ay support lang ni Jake. Hindi ba siya nai-insecure na wala pa siyang solo project?

“Wala naman akong iniisip na ganun. I believe naman na everyone, like nga si Ejay at si Enchong, they have their own time, kasi magkakasama kami sa Katorse. I guess it’s their time and my time hasn’t come yet, and I’m willing to wait. Maghihintay naman ako, basta may trabaho naman ako. I’m still active, and that’s what’s important. I’m just doing my job.”

source: PEP

Related Posts