Erich binakuran ng security ni Matteo
Katulad ni Andi, ginamit din sa mabuti ni Matteo ang kanyang oras habang hinihintay ang pagdadalaga ng characters ni Andi. Pinraktis niya ang kanyang acting at hinasa ang kanyang Tagalog. Mas mauunang lalabas ang character ni Andi sa serye bago ang sa kanya. Kaibigan ni Agua ang role niya.
Bagaman at pinagkakabit ang pangalan nilang dalawa ni Andi ngayon, siguro dahil magkasama silang madalas dahil sa trabaho, bantay sarado siya kay Erich Gonzales nang magkasama sila sa Boracay.
“Totoo, pinabantayan ko siya sa mga bodyguards ko kasi ang dami kong nakitang lasing. She’s a friend and I’d like her to be safe. Pero hindi ako ang nagbantay sa kanya,” anang batang car racer.
Is he afraid of Enchong Dee kaya hindi niya nililigawan si Erich?
“Why should I be afraid of Enchong? Hindi ko nililigawan si Erich because palagi akong umaalis. Palagi ko siyang iiwanan,” sabi ng kabataang sportsman who consider not Andi or Erich as his three choices for sexy women but Cristine Reyes, Maja Salvador and Angel Locsin.
source: Philippine Star








