Erich Gonzales recalls past issue with leading man Ejay Falcon
Here’s an excerpt from the article “Erich Gonzales recalls past issue with leading man Ejay Falcon” that mentions Enchong originally posted in PEP.
ENCHONG DEE. Kumusta ang celebration niya ng Christmas?
“Yung Christmas ko po, hindi po ako nakauwi ng Davao. Pumunta na lang po dito sa Manila yung mama at kuya ko. Tapos ayun, dito na lang kami nag-Christmas. Kasi may work din po ako.
“Ini-invite nga ako nina Enchong [Dee, co-star ni Erich sa Katorse at Tanging Yaman] na sumama sa Bangkok with his family and manager. E, since may work nga po ako, hindi na ako sumama. Naiintindihan naman po niya kasi nga work nga po. Siguro next time.”
Nagpabili ba siya ng pasalubong kay Enchong?
“Naku, nasa kanya yun kung bibilhan niya ako ng pasalubong!” biglang tawa ni Erich.
Nami-miss niya ba si Enchong ngayong magkalayo sila?
“Siyempre naman. Well, kasi halos every day talagang kami yung magkasama. Kaya kapag wala siya, nakakapanibago.”
Masasabi niya ba na si Enchong na ang pinakamalapit na lalake sa kanya ngayon?
“Yes po,” sagot ni Erich. “Inaamin ko naman na siya po talaga yung pinaka-close sa akin ngayon. And si Enchong kasi napaka-gentleman niya, napakamaalaga talaga sa akin. Sweet po si Enchong.”
Pero wala pa ba sa level ng love yung closeness nila?
“Siguro yung love namin sa isa’t isa, hindi yung love na may romance. Pero yun po, happy kami ngayon kung ano ang meron kami… yung friendship namin and talagang bina-value namin yun.”
Sabi ni Erich lumalabas na rin daw sila ni Enchong. Masasabi niya bang dating na ito?
“Puwede na rin pong sabihing dating. Pero kasama rin naman po yung ibang friends namin,” sabi niya.
Open ba siya sa possibility na ma-develop sila sa isa’t isa?
“Kagaya po ng sinabi ni Enchong, parang hindi naman po maiiiwasan yun, di ba? Pero right now po, hindi naman po kami nagmamadali, e. Tingnan po natin. Basta po ngayon, masaya kami na magkatrabaho kami.”
XIAN LIM. Matatandaang among her three male co-stars niya sa Katorse—Enchong, Ejay at Xian Lim—si Xian ang naging vocal noon sa pagsasabing nanligaw ito kay Erich. Ano na ang nangyari sa kanila ni Xian?
“We’re friends pa rin naman,” tugon ni Erich. “Yun nga po, we go out naman, sometimes kasama yung mga friends namin. And I guess mas maganda na lang na magkaibigan kami kesa naman if ever na naging boyfriend ko siya, mahirap na yung marami pang kung anu-ano, di ba?”
Ganito na ang pananaw niya kay Xian, dahil ba nariyan na si Enchong?
“Hindi naman po,” nakangiting sagot ng dalaga. “Bago pa kami maging close ni Enchong talaga, nag-usap na kami ni Xian na friends na lang muna kami. Matagal na naming napag-usapan yung tungkol sa ligaw-ligaw. And sabi niya, he’s willing to wait. Focus muna kami sa career namin pareho.”
So, nabasted pala si Xian?
“I can’t say basted kasi we both have an agreement na parang maging friends na lang tayo. Kasi I believe naman na yung love-love na ‘yan, dadating kung kailan talaga para sa iyo. Napakaganda lang talaga ng nangyayari sa career ko ngayon at ayoko pong ma-distract. Focus talaga ako sa work.”
source: PEP









