Ejay Falcon, bano umarte?
Magandang birthday gift ng ABS-CBN kay Ejay Falcon na 20 years old na noong November 21, ang bagong soap nila nina Erich Gonzales at Enchong Dee na Tanging Yaman. Dala raw ng success ng Katorse, kaya may kasunod na silang soap.
Ayaw magpadala sa intriga si Ejay na natatabunan siya sa acting ni Enchong dahil friends sila at binibigyan siya nito ng acting tips. Nakatulong sa kanya ang mga comment na bano siyang umarte dahil lalo niyang ginagalingan ang trabaho.
source: Philippine Star









