Pinoyparazzi Articles
Visit their website or follow them on their Twitter. Credits to anien0 from the forum.
Nahuli natin itong si Erich Gonzales na pa-simple ang hawak sa hita ni Enchong Dee. Parang naaalala natin dati nu’ng tanungin si Erich kung sino ang pinakagusto niya sa tatlong leading men niya sa Katorse, eh si Xian Lim ang sagot niya. Pero may lumabas na chismis na nakikitulog nga raw itong si Enchong sa van ni Erich habang nagta-taping huh?! Erich, paki-explain!
Si Enchong Dee ang napiling endorser ng Bench at Convergys para sa kanilang ‘Wear Your Dreams’ campaign. Alam natin lahat na maraming bagets ngayon ang pumapasok sa mga call center para kumita ng pera at matupad ang kanilang pangarap. Perfect nga si Enchong para sa proyektong ito dahil kakagraduate lang nya from college at isa siya sa pinakasikat na young star ngayon.
Present rin sa Bench/Convergys Fashion show sina Diether Ocampo, Rima Otswana, Lucy Torres, Richard Gomez at s’yempre, si Mr. Ben Chan.
Nag-umpisa na sa wakas sa ABS-CBN Primetime Bida ang bagong Katorse na pinagbibidahan ng Star Circle Quest II Grand Winner na si Erich Gonzales. Dapat ay noong Hunyo pa ito ieere, pero sa hindi masabing dahilan ay naiurong ang launching nito. Kasali din sa cast sina Cherrie Gil, Gardo Versoza, Malou Santos, Eda Nolan at Charee Pineda.
Kung meron tayong magandang bida, syempre, meron din tayong mga boylet na kakikiligan sa gabi. Hindi lang isa, hindi rin dalawa kundi tatlo ang mga leading man ni Erich! Nene, ang haba ng hair mo, huh? Anywayz, sino naman kaya ang pipiliin ni Nene sa mga boylet na ‘to? Kayo, sino ang bet ninyo? Pili na!








