No Sibling Rivalry with Enchong
New Kapuso talent AJ Dee finds primetime exposure in Show Me Da Manny.
Bakit siya nag-decide magpalit ng manager at ng TV station?
“Sa akin kasi medyo hindi ako nakapag-work nang maayos, hindi na ako nagkakaroon ng show. So sabi ko kailangan kong magtrabaho, kumbaga ang importante naman makapag-trabaho ako.”
Ang kapatid niyang si Enchong Dee ang rumaratsada ang career ngayon.
“Lagi kaming nakukumpara ng kapatid ko, so sabi ko hindi maganda para sa amin kasi sa amin walang problema pero yung mga tao sa paligid namin binibigyan kami ng issue.
“Ngayong nandito ako, tapos nandun siya sa kabila, at least may kanya-kanya kaming career, may kanya-kanyang path, para maayos lahat.”
Pero hindi naman raw dumating sa point na nainggit siya kay Enchong.
“Honestly, walang inggit, kapatid ko yun, kahit papaano dumaan din ako sa point na ganun, na sunud-sunod rin ang trabaho ko, at kung anuman, kapatid ko pa rin yun.
“Bago ang lahat, ang ibang tao, kapatid ko muna siyempre ang tinitingnan ko. So kung anuman yung na-achieve niya, natutuwa ako. Kaya minsan kapag nagkikita kami, kasi busy din siya, e, kumustahan talaga kami, nagbabalitaan kami.”
source: PEP









