Enchong Dee proudly receives his college diploma
Finally, graduate na ang batang aktor na si Enchong Dee at sinamahan siya ng ABS-CBN.com sa kanyang graduation rites sa ginanap na 155th Commencement exercises ng De La Salle University sa PICC, CCP Complex sa Pasay City.
Kasama ni Enchong ang kanyang mga magulang na proud na proud na kumuha ng litrato at video ng kanilang anak. Bachelor of Arts Major in Developmental Studies ang tinapos na kurso ni Enchong. Malaking surpresa ito para kay Enchong at sa kanyang mga magulang dahil sa tindi ng schedule ni Enchong, e nagawa pa niyang makapagtapos ng regular at sa panahon, kasabay ng kanyang pagshoshowbiz at paglalaro ng swimming.”Shockingly, I graduated on time, three years.” Super excited si Enchong sa kanyang latest achievement at pinakita pa niya sa amin ang kanyang diploma. “Ang saya, ibang klase. Parang yung pinaghirapan mo, yung binuhos mong pawis, dugo, yung ini-spend mong time parang nawala lahat, kasi nga natanggap mo na yung diploma mo. Nakakakilig. More than pa yung feeling sa nakakakilig.”
Bilang na bilang lang ang mga artistang nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral, kaya masasabing malaking achievement talaga kung makapagtapos ng kolehiyo ang isang artista. Tulad na siya nina Iya Villania, Laarni Lozada at Tito Boy Abunda na recent graduates din. At least ngayon, makakapag-concentrate na siya sa kanyang mga showbiz commitments tulad ng upcoming teleserye niya na Katorse. Pero bumuwelta ang aktor at sinabing, “Hindi rin, kasi ang daming nagsasabi na after you graduate, there’s another journey na iyong tatahakin. I’m taking up my masters right now. Kasi habang bata, go lang ng go. Masters in Development Policy.”
Nagulat kami sa binahagi ni Enchong na gusto niyang mag-masters. Yun pala, malakas din ang hatak sa kanya ng mundo ng pulitika. “Kasi napakacolorful ng politics dito sa Philippines. Lalo na next year, its gonna be the elections. I wanna be part of it. I wanna open my mind more about our Philippine politics. Suprisingly, ang politics at entertainment dito sa Philippines ay nagja-jive. So, connected naman siya.” Aba, e parang gusto pa yatang tumakbo sa pulitika nitong si Enchong!
Ang kanyang kapatid pala na si AJ Dee, na hindi na masyadong aktibo ngayon sa showbiz, ay nakapagtapos din pala. Graduate pala ito sa Ateneo de Naga University. Ngayon, higit ano pa man, masasabi ni Enchong na ito na ang isa sa pinakamagandang bagay na nagawa niya. “This is the most important thing to me! Ibang klase yung happiness na nararamdaman ko ngayon.”
source: ABS-CBN








