Enchong, masaya na ‘hiwalay’ na siya kay Kim!

Mariing itinanggi ni Enchong Dee na pinipilit siya ng kanyang Kuya AJ Dee na lumipat na rin sa GMA 7. Sabi ni Enchong, wala raw ganung pangyayari sa kanila.

Unang-una, alam daw ni AJ na may kontrata siya sa Dos, at kasama siya sa Boystown.

Pero, ikinuwento raw ni AJ sa kanya na binanggit daw ng mga taga-GMA na kilala siya ng mga ito.

Siyanga pala, inamin ni Enchong na madalang na silang magkita ni AJ ngayon, lalo na at nasa GMA na ito. Lumipat na rin daw ng ibang bahay si AJ.

Pero, bilib na bilib si Enchong kay AJ, dahil tinapos daw muna nitong bayaran ang bahay na tinitirhan nila sa Greenhills ngayon, bago ito humiwalay sa kanila. Noong March daw humiwalay si AJ sa kanila.

Ang bahay na tinitirhan nila ngayon ang regalo raw ni AJ sa parents nila.

Anyway, iginiit din ni Enchong na wala siyang balak na sirain ang relasyon nina Kim Chiu at Ge­rald Anderson. Ayaw raw niyang maging kontrabida sa buhay ng dalawa.

“Hindi ko nga alam kung bakit natsismis na gusto ko raw agawin si Kim kay Gerald. Ako na ang nagsasabing hindi totoo ‘yon.

“Masaya ako na inihiwalay ako kay Kim. At happy ako na maganda ang team-up nila ni Ge­rald,” sabi na lang ni Enchong.

source: Abante

*** Related Article ***

NALULUNGKOT man si Enchong Dee na magkahiwalay na sila ng network ng nakatatandang kapatid na si AJ Dee, nirerespeto naman daw niya ang desisyon ng kanyang kuya.

As we all know, kalilipat lamang ni AJ sa GMA-7 mula sa ABS-CBN at biniro nga si Enchong ng press na mabuti’t hindi siya isinama ng kuya niya sa paglipat.

“Basta ang sinabi lang niya sa akin, kilala nga raw ako sa kabila, ’yun lang. Kasi, bihira na rin kaming mag-usap kasi humiwalay na rin siya ng tirahan last March,” say ni Enchong sa presscon ng Your Song Presents: Boystown, latest project niya sa ABS-CBN na magsisimula na sa May 10.

Hindi na raw sila magkasama ng kuya niya sa bahay.

“Actually, paglipat niya (ng istasyon), lumipat na rin siya ng bahay. Mahirap, kasi parang nagsisimula siya ulit, eh. Kumbaga parang bagong mundo na naman ’yon.”

How does he feel na mas bongga na ngayon ang career niya kesa sa kapatid?

“Well, siyempre, hindi ko naman maiwasan na malungkot para sa kanya, pero siyempre, natutuwa rin ako sa takbo ng career ko at parati ko namang sinasabi na lahat ng nakukuha natin, eh, lahat ng nade-deserve natin. Hindi naman tayo puwedeng tumanggap ng sobra-sobra sa ibinibigay natin.”

Pero ang nakakatuwa naman kay AJ, at least ay nabilhan niya ng bahay sa Manila (dati silang nakatira sa Naga) ang kanyang magulang nang panahong sunud-sunod ang projects niya.

“Parang regalo ni kuya ’yon sa parents namin, na pati kami, nakakatira rin,” say ng champion swimmer.

Siya naman daw, nabilhan niya ng dalawang sasakyan ang parents niya.

Sunud-sunod din lately ang projects ni Enchong. Pagkatapos ng dalawang magkasunod na serye niya (My Girl at My Only Hope) with Kim and Gerald, mapapanood naman siya ngayon sa Boystown kasama ang kagrupo sa Gigger Boys na sina Robi Domingo, Sam Concepcion, AJ Perez, Dino Imperial at Chris Gutierrez na ipalalabas every Sunday.

Kasalukuyan din siyang napapanood sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja? with Kristine Hermosa and Derek every Saturday.

Hindi ba siya nalungkot na hiniwalay na siya kay Kim?

“Hindi, actually, natuwa pa nga ako kasi tumigil na rin ’yung issue na nang-aagaw. ’Yun nga, hindi ko naiintindihan, may isyung bading ako, tapos, may isyu ring nang-aagaw ako ng babae.

“Basta masaya naman ako para sa kanya (Kim), lalo na top-rating ’yung show (Tayong Dalawa) nila, masaya naman ako sa kanila kasi, kumbaga, kahit sinong isama sa kanila, nagiging high-rating ’yung show.”

Hindi siya nainggit na hindi binigay sa kanya ’yung role ni Jake Cuenca sa Tayong Dalawa?

“May Boystown naman ako, lead naman tayo rito, so, masayang-masaya ako,” nakatawang sabi ni Enchong.

source: Journal

Related Posts
  • http://www.enchongdeeworld.com lynsleyrisse

    I hope that enchong will find his true love soon..
    :D

  • Ashyan

    wahwahwa enchong bagay rin kayo si sarah geronimo., atleast kung kay sarah ka e partner sisigurahin ko sayo na wala magagalit., dahil ang mga popster ay talaga mga suportive,
    at isa pa saa ikaw ang gaganap na dao ming si / jun pyo pinoy version

  • Ronald

    enchong crush ka ng bestfriend as in baliw sya sayo at lagi ka niyang sinusubayan i hope more projects to come amd i envy you….